
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang official visit sa Vancouver, Canada.
Ayon sa pangulo, nagbunga ang biyahe ng US$2.5 bilyong pamumuhunan mula sa mga Canadian companies para sa mga sektor ng mining, critical minerals, energy, services, at information technology-business process management (IT-BPM).
Mas pinalalim din ang ugnayan ng Pilipinas at Canada matapos iangat sa Strategic Partnership ang relasyon ng dalawang bansa, ang pinakamataas na antas ng bilateral ties.
Nagkasundo rin ang Pilipinas at Canada na isulong ang pagtatapos ngayong taon ng Philippines-Canada Free Trade Agreement, kasabay ng pagpapatuloy ng negosasyon para sa ASEAN-Canada Free Trade Agreement.
Nalagdaan din ang apat na kasunduan sa energy at critical minerals, labor at migration, turismo, at people-to-people at cultural exchanges.
Naglaan din ang Canada ng paunang C$2 milyong pondo para sa Luzon Economic Corridor na susuporta sa mga proyekto sa imprastraktura, supply chain, at clean energy.










