Monday, July 6, 2026

MPD, maagang nagpadala ng kanilang tauhan para sa pagbabantay sa labas ng Senado

Nagpadala na ang Manila Police District (MPD) ng mga tauhan sa labas ng Senado para tumulong sa pagbabantay at mapanatili ang seguridad.

Ito’y kasabay ng pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay MPD PIO Chief Police Maj. Philipp Ines, maaga pa lamang ay naglatag na sila ng mga security measures lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga supporter at mga magkikilos-protesta.

Paliwag ni Maj. Ines, nasa 400 personnel nila ang nauna ng idineploy sa paligid ng Senado habang nakaantabay ang 400 pa nilang pulis.

Bukod dito, nakabantay rin sila sa mga boundary ng lungsod upang masiguro na walang magiging problema.

Dagdag pa ni Maj. Ines, naka-monitor sila sa sitwasyon kung saan nakakalat ang iba pa nilang pulis sa ibang bahagi ng Maynila upang maiwasan ang hindi inaasahan insidente.

Facebook Comments