
Inihain ni Senator Ping Lacson ang dalawang panukalang batas na layong itaas ang compulsory retirement age ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa 57 mula sa 56 taong gulang.
Sa Senate Bills 2395 at 2396, layon na mapanatili ng mas mahabang panahon ang expertise, leadership at institutional knowledge ng mga senior officers bago maipasa ang tungkulin sa magiging kapalit.
Ang dalawang panukala ay nakalinya rin sa adjustment ng compulsory retirement age ng mga myembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kapag naisabatas ang mga panukala, nakasaad na ang wala nang isang taon sa serbisyo ay may option na magretiro sa edad na 56.
Tinukoy sa magkahiwalay na panukala na 230,410 ang mga kasapi ngayon ng PNP, 41,286 ang mga tauhan at opisyal ng BFP at 26,000 sa BJMP.










