Saturday, July 18, 2026

Traffic enforcer, nag-counterflow sa EDSA Bus Lane

Nakuhanan sa isang viral video ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na nag-counterflow sa bahagi ng EDSA Bus Lane kahapon ng madaling araw.

Kung saan bumaba pa mismo ang driver ng bus upang sabihin na hindi kasya ang motor na dala ng nasabing enforcer.

Kinilala ang nasabing enforcer bilang Traffic Aide 1 ng ahensya.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, hindi nila itotolerate ang maling gawain ng kanilang tauhan.

Dahil dito, pagmumultahin ang nasabing enforcer ng ₱5,000 dahil sa paglabag sa EDSA Bus Lane at haharap ito sa administrative sanctions.

Samantala, ayon pa sa MMDA, sasailalim din ang nasabing enforcer sa imbestigasyon at papatawan ng karampatang parusa.

Facebook Comments