Thursday, August 20, 2026

Supply ng kuryente sa halos 250 munisipalidad na naapektuhan ng hanging habagat at pagbaha, naibalik na

Naibalik na ang power supply sa 243 munisipyo na pansamantalang nawalan ng supply ng kuryente dulot ng mga pagbaha at pag-ulan sa nakalipas na dalawang linggo.

Patuloy rin umanong mino-monitor ang 26 electric cooperatives sa 14 na lalawigan sa limang rehiyon dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan na dala ng habagat, ayon sa National Electrification Administration – Disaster Risk Reduction and Management Department (NEA-DRRMD).

Kabilang sa binabantayang kooperatiba na nakaranas ng bahagyang pagkaantala ng serbisyo ay ang Batelec II sa Batangas, Beneco sa Benguet, at Pelco II sa Pampanga na nakaranas ng bahagyang pagkaantala ng serbisyo.

Sa kabilang banda, ongoing rin ang restoration efforts sa natitirang 1,002 na koneksyon ng mga konsumer.

Samantala, nangako naman ang National Electrification Administration na nakikipag-ugnayan sila sa mga kooperatiba para sa ligtas at agarang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente lalo na ngayon na unti-unti nang bumubuti ang panahon.

Facebook Comments