
Sa inilabas na letter ng kampo ni dating Congressman Michael Romero, nakasaad na nagretiro na ito bilang Reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang nasabing pagretiro nito ay epektibo umano kahapon, August 19.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Romero sa liderato ng AFP at sa mga uniformed personnel.
Dagdag pa ni Romero, nirerespeto at sinusuportahan nito ang review at beripikasyon ng kanyang mga records.
Aniya, ang lahat ng medalya, decorations, badges at distinctions na ibinigay sa kanya ay makikita sa opisyal na records ng AFP at maaari itong iberipika.
Pahabol pa nito, nagtapos man ang serbisyo nito ng nakauniporme ngunit mananatili umano itong maglilingkod sa taumbayan, soberanya, watawat at sa bansa.
Facebook Comments










