Saturday, July 18, 2026

Senate Impeachment Court, walang Constitutional authority para ibasura ang impeachment case laban kay VP Duterte

Binigyang-diin ni House prosecutor at Manila 3rd District Representative Joel Chua, na batay sa Konstitusyon, ay walang karapatan o awtoridad ang Senate Impeachment Court para ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Bunsod nito ay iginiit ni Chua na hindi maaaring pagbigyan ng impechment court ang hiling ni VP Sara na ibasura ang kinakaharap niyang impeachment case.

Paliwanag ni Chua, ang tanging paraan para mabasura ang impeachment case ay kapag nagpasya na ang impeachment court kung acquitted o convicted si Duterte.

Sabi ni Chua, maliwanag ang nakasaad sa Saligang Batas na maaaring lang gawin ng impeachment court ay ang magsagawa ng paglilitis “forthwith” o agad-agad sa oras na matanggap nito ang articles of impeachment.

Facebook Comments