Friday, October 23, 2026

Judicial overreach, posibleng igiit ng OSG sa apela sa budget ruling ng Korte Suprema

Posibleng igiit ng Office of the Solicitor General (OSG) ang judicial overreach o labis na panghihimasok ng Korte Suprema sa kapangyarihan ng ibang sangay ng pamahalaan sa ihahaing motion for reconsideration kaugnay ng 2024, 2025 at 2026 national budget.

Ayon kay Solicitor General Darlene Berberabe, ang Kongreso ang may kapangyarihang magtakda ng badyet, habang ang Ehekutibo ang naghahanda at nagpapatupad nito.

Hihilingin ng OSG na repasuhin ang ilang limitasyong itinakda ng Korte Suprema sa paggamit ng pondo.

Dapat ipaubaya aniya sa Kongreso at pangulo ang ilang desisyon tungkol sa badyet.

Layunin ng apela na maiwasang maapektuhan ang pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno dahil sa desisyon ng Korte Suprema.

Facebook Comments