Wednesday, October 7, 2026

DOJ, ayaw pangunahan ang korte sa kaso ni Rep. Leviste

Ayaw pangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang korte sa susunod na hakbang laban kay Congressman Leandro Leviste matapos siyang isyuhan ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, korte na ang magpapasya kung maaari nang ideklarang pugante si Leviste.

Paliwanag ni Martinez, kailangang sumailalim muna sa hurisdiksyon ng korte ang isang akusado, sa pamamagitan ng boluntaryong pagsuko o pag-aresto, bago ito makapag-apply ng piyansa.

Dahil nasa ibang bansa si Leviste, kailangan muna niyang bumalik sa Pilipinas at humarap sa korte bago makapagpetisyon para sa piyansa.

Nauna nang itinakda ng korte sa ₱72,000 ang piyansa para kay Leviste.

Facebook Comments