Wednesday, October 7, 2026

NBI Dir. Matibag, hinimok si VP Sara na isumite ang mga ebidensya sa kaso ni Gracioso

Hinimok ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag si Vice President Sara Duterte na isumite sa NBI ang lahat ng ebidensyang hawak nito kaugnay ng imbestigasyon sa mga paratang ng dating aide na si Rodulfo Gracioso.

Ayon kay Gracioso, nagdala umano siya ng mga maletang may lamang pera kay Duterte, habang nagpakita naman ang bise presidente ng mga litrato bilang patunay ng kaniyang kinaroroonan sa mga naturang petsa.

Binigyang-diin din ni Matibag na handa silang magsampa ng kaukulang kaso kung mapatutunayang nagsisinungaling si Gracioso sa kanyang sinumpaang salaysay.

Sinabi rin ni Matibag na bahagi ng kanilang masusing imbestigasyon ang pag-aaral sa lahat ng anggulo ng naturang kontrobersya upang matiyak ang patas na pag-usad ng kaso para sa lahat ng sangkot na panig.

Facebook Comments