
Posibleng magamit sa planong pagkandidato ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections ang multi-milyong pisong pondo mula umano sa mga kompanyang pag-aari ng China.
Sinabi ito ni House prosecution adviser and Spokesperson Ace Barbers makaraang lumabas sa impeachment trial na mahigit ₱319 million mula sa mainland China at Hong Kong ang pumasok umano sa Cale88 Foods Corp, ang kompanyang konektado sa mister ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio.
Sabi ni Barbers, hindi maiwasang isipin na ito ay maaaring pinansyal na suporta sa pagtakbo ng ating pangalawang pangulo.
Paalala ni Barbers, naipahayag na ni VP Duterte ang kaniyang interes na tumakbo bilang pangulo sa 2028 elections. Binanggit ni Barbers na maaari rin itong kasama sa pagpondo ng mga political propaganda o political machinery ni VP Sara.










