Thursday, May 7, 2026

Paglobo ng utang ng Pilipinas, epekto ng paghina ng piso kontra dolyar—Bureau of Treasury

Nagsilbing pangunahing dahilan ng paglobo ng utang ng Pilipinas ang paghina ng halaga ng piso kontra US Dollar.

Ito ay matapos pumalo sa P18.49 trillion ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Marso.

Mas mataas ito ng P328.3 billion o 1.81% kumpara sa utang ng bansa noong Pebrero.

Ayon sa Bureau of Treasury, peso depreciation o paghina ng piso kontra US dollar ang pangunahing dahilan nito bukod sa net issuance ng domestic securities.

Sa kabuuang utang ng bansa, P12.53 trillion ang utang panloob o domestic debt habang P5.95 trillion ang utang panlabas na mas mataas ng P273 billion.

Sabi ng Treasury, mas tumaas ang utang natin kahit hindi naman nadagdagan ang mismong inutang.

Halimbawa anila rito ang pag-akyat ng halos P300 billion matapos humina ng mahigit tatlong piso ang palitan ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments