
Dumalo ang Department of Justice (DOJ) sa katatapos lang na 68th session ng United Nations Commission on Drugs sa Vienna Austria.
Pinagtitibay ng DOJ ang pangako nito sa United Nations sa pamamagitan ng multilateralism na pinakamahalagang plataporma para sa internasyonal na kooperasyon upang harapin ang mga hamon kabilang na ang problema sa droga.
Binigyang-diin ng DOJ ang edukasyon at pagkakaroon ng komprehensibong programa sa rehabilitasyon para sa mga indibidwal na nasangkot sa droga na isa sa paraan upang matugunan ang problema sa iligal na droga.
Sa kasalukuyan, ang gobyerno ay nagsasagawa ng executive review ng mga patakaran sa droga ng bansa habang patuloy ang pagpapatupad ng batas, sosyo-ekonomiko, at mga interbensyon sa kalusugan upang lumikha ng isang epektibo at pinag-isang tugon laban sa dangerous drugs.