Pamahalaan, pinaaagapan na ang suplay ng tubig sa bansa

Pinakikilos na agad ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan para sa pagtitipid ng tubig sa gitna ng umiinit na panahon.

Partikular na pinaaksyunan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga water concessionaires ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa water conservation at pagtiyak ng matatag na suplay.

Binigyang-diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay ng water reserves at transparency sa water management ng bansa.


Ipina-aadopt naman sa Department of Agriculture (DA) ang mga pamamaraan sa pag-iimbak ng tubig tulad ng matatag na irigasyon, pangangalaga sa food production at pagsusulong ng climate-resilient farming.

Iginiit ng senador na sa patuloy na pagtaas ng demand sa tubig ngayong tag-init ay mas lalong kailangang magtipid at maging masinop sa paggamit nito upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa maraming lugar.

Facebook Comments