Wednesday, September 9, 2026

Focus crimes, bumaba ng 42% nitong agosto ayon sa PNP

Bumaba ng 41.77 percent ang naitalang focus crimes ng Philippine National Police sa buong bansa nitong buwan ng Agosto.

Base sa data ng PNP, pinakamataas ang pagbaba ng kaso ng carnapping of motor vehicles, sinundan ng kasong rape at carnapping of motorcycles.

Samantala, bumaba rin ang naitalang kaso ng physical injury, theft , robbery at homicide.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi dapat makampante ang pulisya kahit na maganda ang nakitang pagbaba ng nasabing mga kaso.

Tiniyak naman ni Nartatez na tuluy-tuloy ang kanilang trabaho para makapagbigay serbisyo at matiyak ang presensya ng pulisya sa mga pagkakataon na kailangan ito ng publiko.

Facebook Comments