Friday, September 4, 2026

3 bata sa Mandaluyong City, patay dahil sa sunog kagabi

Nasawi ang tatlong bata sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Blk. 39, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, pasado alas-7:00 ng gabi nitong Huwebes.

Ayon sa report ni Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong Chief Operations Bryan Pillula, na-trap sa kwarto ng ika-apat na palapag ng bahay ang magkapatid na 2 at 4 years old.

Habang ang 7 years old na bata, naisugod sa ospital ngunit namatay rin kalaunan dahil sa tinamong 3rd degree burns.

Isang single mother at kasalukuyang nasa trabaho ito nang mangyari ang insidente.

Mabilis na kumalat ang apoy at nagtulong-tulong ang mga kapitbahay ng pamilya para apulahin ang sunog hanggang sa makarating ang BFP.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments