BSP, muling nagtapyas ng interest rate

Binawasan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate sa 5.5 percent ngayong Abril.

Ito ay matapos aprubahan ng BSP Monetary Board ngayong araw ang pagbabawas ng 25 basis points.

Ayon sa BSP, nananatiling kontrolado ang ang inflation o bilis ng pagtaas ng bilihin at serbisyo sa bansa na pasok sa kanilang target

Epekto rin daw ito ng bagong 17% reciprocal tariff na ipinataw ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Dahil diyan, sinabi ng BSP na posibleng tumaas pa ang kalakalan ng Pilipinas lalo na’t mas mababa ang taripa sa atin kumpara sa ibang bansa.

Facebook Comments