DOJ, nanindigang may kapangyarihan sa paghawak sa kaso ng Degamo murder case

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na may kalayaan at kapangyarihan ang DOJ panel of prosecutors na magdesisyon sa mga hinahawakang kaso, gaya ng kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano kaugnay sa inihaing mosyon ng kampo ni Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr., na magbitiw ang DOJ sa pagdinig ng Degamo murder case.

Ayon kay Clavano, ang DOJ ay hindi judicial o quasi-judicial body kundi ahensiya na nasa ilalim ng sangay ng ehektibo, na pinamumunuan ng pangulo.


Tumanggi namang magbigay pa ng magkomento si Clavano kaugnay sa inihaing sa mosyon ng kampo ni Teves dahil maaari aniya itong magamit laban sa kagawaran.

Samantala, naniniwala naman ang tagapagsalita na hindi makakaapekto sa pagresolba ng prosekusyon ang petisyon lalo na sa susunod na preliminary investigation.

Kahapon, naghain ng motion to inhibit ang kampo ni Teves sa pangunguna ni Atty Ferdinand Topacio, laban sa DOJ dahil sa pagiging bias umano ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa kanyang kliyente.

Facebook Comments