
Muling hihilingin ng Department of Justice (DOJ) na maglabas ng arrest warrant ang korte laban sa anim na akusado sa pagkawala ng mga sabungero.
Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na layon nitong mabigyang linaw ang lahat at matapos na nang maayos ang kaso.
Noong nakaraang buwan nang kanselahin ng Court of Appeals ang piyansa ng anim na akusado matapos ang ruling na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 na nag-apruba sa kanilang petition for bail noong 2023.
Kasunod niyan, agad na hiniling ng National Prosecution Service (NPS) sa korte na muling ipaaresto ang anim.
Nahaharap sa anim na counts ng kidnapping and serious illegal detention ang mga akusado dahil sa pagkawalang mga sabungerong sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, and brothers James Baccay at Marlon Baccay noong 2022.