Ilang eksperto, dismayado sa mga doctor na anti-vaccine

Ikinadismaya ng ilang medical expert sa bansa ang mga doktor na kontra sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana, dahil nagbibigay ito ng pagdududa sa publiko kaugnay sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

Aniya, sa halip na iniisip ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente ay sila pa ang nagbibigay ng pagdududa sa ginagawa ng gobyerno para sa kaligtasan ng sambayanan.


Giit pa ni Salvana, lumabas naman sa pag-aaral na ligtas at epektibo ang mga bakunang ginagamit para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments