Tuesday, May 26, 2026

DOLE mas maghihigpit sa pag-iinspeksiyon para matiyak ang pagsunod sa occupational safety standards

Mas maghihigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-iinspeksiyon sa mga construction project sa bansa.

Ito ay upang maiwasan nang maulit pa ang insindente ng pagguho ng ginagawang gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, rerepasuhin niya ang sistema ng pag-iinspeksiyon sa mga construction para masigurong nasusunod ang occupational safety standards.

Hindi aniya pwede na hanggang isang beses lamang iinspeksiyunin para masiguro ang kaligtasan ng mga manggagasa.

Samantala, pinuna rin ng kalihim ang barracks na tinutuluyan ng mga construction worker sa gumuhong gusali na nasa loob mismo nito.

Ngayong araw nang suspendihin ni Tolentino si DOLE Region 3 Director Geraldine Panlilio dahil sa insidente na ikinasawi ng ilang manggagawa.

Ito ay para magbigay daan sa imbestigasyon na layong alamin kung may pagkukulang ang Kagawaran para matiyak ang kaligtasan ng mga mga nagtatrabaho sa construction site.

Napag-alamang naglabas noon ng work stoppage ang DOLE region 3 sa contractor na golden years construction company dahil sa paglabag nito sa occupational safety and health standards pero binawi rin kalaunan.

Facebook Comments