Thursday, August 13, 2026

DOLE, nakatutok at ginagawa ang lahat ng paraan upang matuloy ang naantalang dagdag sahod

Muling iginiit ni Labor Secretary Francis Tolentino na nakatutok at hindi nila pinapabayaan ang kapakanan ng manggagawa sa isyu ng dagdag P85 na sweldo.

Ayon kay Tolentino, kumpiyansa sila na mali-lift ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Pasig Court kung saan patuloy ang Office of the Solicitor General (OSG) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang trababo.

Aniya, nirerespeto ng DOLE ang mga saloobin ng mga manggagawa pero muli niyang ipinaliwanag na ginagawa nila lahat ng paraan para matuloy ang nasabing dagdag na sweldo sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Maging ang mga hakbang ng DOLE para maisakatuparan na rin ang dagdag sahod sa ibang rehiyon ay tina-trabaho na nila para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Sinabi pa ng kalhim na nauunawaan niya ang bawat sentimyento ng mga grupo ng manggagawa sa pagsasagawa ng mga protesta pero muli niyang paalala na ang mga ginagawa ng DOLE ay para matuloy ang naantalang umento sa sweldo.

Facebook Comments