
Price freeze sa mga pangunahing bilihin, ipinatupad na sa ilang lugar sa bansa na nasa state of calamity dahil sa habagat, nagdaang bagyo at dry spell ayon sa DTI
Umiiral na ang price freeze sa lahat ng basic necessities sa mga lugar sa bansa na naapektuhan ng Bagyong Maymay, Inday, habagat at umiiral na dry spell.
Kabilang sa mga lugar na epektibo na ang price freeze ang buong lalawigan ng Pampanga dahil sa hagabat.
Buong lalawigan ng Cavite, bayan ng Montalban sa Rizal, probinsiya ng Pangasinan, Dagupan City at Mangaldan dahil sa hagabat at bagyong Maymay.
Ipinatupad na rin ang prize freeze sa Potatan, Iloilo, probinsiya ng Zamboanga Sibugay, bayan ng Imelda at Diplahan dahil sa southwest monsoon at Bagyong Inday.
Habang dry spell naman ang dahilan kaya’t ipinatupad ang prize freeze sa Cordon, Isabela.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7581 o Price Act, sakop ng price freeze sa basic necessities ang presyo ng bigas, karne, mais, isda, gulay prutas, canned fish at iba pang marine products, malinis na tubig, processed milk, locally manufactured instant noodles, kape, asin, laundry soap at detergents at kandila.
Layon nitong matiyak na stable ang presyo ng mga bilihin at matiyak na hindi ito maaabuso at epektibo ito sa loob ng 60 days.










