DOST REGION 1 PANGUNGUNAHAN ANG PAGSASANAY NG 12,000 ELECTORAL BOARD SA PAPALAPIT NA HALALAN

Aabot sa 12, 000 na Electoral Boards o EBs ang nakatakdang isailalim sa pagsasanay ng Department of Science and Technology sa Ilocos Region.

Ito’y matapos lumagda ng kasunduan ang DOST para sa maayos at malinis na halalan ngayon taon.

Dadaan sa training ang mga EBs sa ilalim ng 21 na IT at apat na miyembro ng Quick Response Team.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOST sa mga state universities para sa pagsasagawa ng Certification Program.

Samantala, Kabilang sa mga programang isasagawa ng ahensya para sa EBs ay ang paggamit ng Vote Counting machine at ang theoretical at practical exam sa pag ooperate ng VCM. | ifmnews

Facebook Comments