Nagsagawa ng police presence at traffic assistance ang mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station (MPS) sa harap ng Binmaley North Elementary School at Binmaley School of Fisheries noong Hunyo 11, 2026 dakong alas-6:30 ng umaga.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Lister A. Saygo, Chief of Police, bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at magulang.
Layunin ng operasyon na matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng trapiko ng mga sasakyan at pedestrian sa oras ng pagdating ng mga mag-aaral sa paaralan.
Ayon sa ulat, nanatiling visible ang mga pulis sa lugar upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente at mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa paligid ng mga paaralan.
Patuloy na isinasagawa ng Binmaley MPS ang mga ganitong aktibidad bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga komunidad, lalo na sa mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











