Wednesday, May 20, 2026

SP Alan Peter Cayetano, posibleng may command responsibility kung iniutos nito na mag-warning shot ang OSAA ayon sa isang senador

Ipinunto si Senator Raffy Tulfo na posibleng may responsibilidad si Senate President Alan Peter Cayetano sa nangyaring barilan sa Senado kung siya ang nagutos na magwarning shot si suspended Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) Mao Aplasca.

Kaugnay ito sa pahayag ni NBI Director Atty.Melvin Matibag na si Cayetano ang may command responsibility sa nangyaring insidente kaya ang senate president ang dapat na unang masuspindi.

Sinabi ni Tulfo na kung ang senate president ang nagutos sa OSAA na mag-warning shot, dapat lang na may command responsibility si Cayetano.

Subalit sa kasong ito, sinabi mismo ni Cayetano na wala siyang ibinigay na utos na mag-warning shot kaya sa tingin ni Tulfo ay walang kinalaman sa insidente ang Senate President.

Samantala, para kay Senator Robinhood Padilla, sinagip ni Aplasca ang buhay ng mga nasa loob at labas ng Senado.

Punto ni Padilla, ang warning shot ni Aplasca at ng NBI ang nagpakalma sa sitwasyon at nagpatunay na friendly forces ang magkabilang panig.

Gayunman, batid ng senador na mayroong pagkukulang sa koordinasyon at komunikasyon sa kanilang mga pinuno.

Facebook Comments