DOTr, iniutos sa MRT-3 management na i-upgrade ang restrooms ng mga istasyon ng tren

142

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3 na i-upgrade ang restrooms sa mga istasyon ng tren.

Ayon kay Bautista, nang inspeksiyunin niya kamakailan ang iba’t ibang istasyon ng MRT-3 ay nakita niyang malilinis naman ang restrooms nito pero kulang aniya sa amenities.

Aniya, iniutos na niya ang paglalagay ng bidets.


Bukod dito, ipinag-utos na rin ni Bautista ang relokasyon ng mga customer assistance desk upang mas mabilis itong ma-access maging ng mga taong nakalinya pa lamang sa mga labas ng istasyon.

Naobserbahan rin umano ng DOTr chief na lima lamang sa 16 na istasyon ng MRT-3 ang mayroong medical equipment na maaaring magamit sa emergency cases kaya’t plano niyang magpalagay rin ng mga naturang kagamitan sa iba pang mga istasyon.

Facebook Comments