Tuesday, July 28, 2026

Pamamahagi ng titulo ng lupa, target matapos sa 2027 ayon kay PBBM

Target ng administrasyon na matapos sa 2027 ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga benepisyaryo ng agrarian reform.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahigit 400,000 titulo na ang naipamahagi sa mga magsasaka at mangingisda sa nakalipas na apat na taon. Katumbas ito ng mahigit 500,000 ektarya ng lupa.

Sinabi rin ng pangulo na target ngayong taon na makumpleto ang pagpapatupad ng New Agrarian Emancipation Act o Republic Act No. 11953.

Sa ilalim ng batas, pinawawalang-bisa ang utang ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng agrarian reform upang tuluyan nilang mapakinabangan ang lupang ipinagkaloob sa kanila.

Facebook Comments