
Nasabat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC ang radioactive industrial materials at substandard steel materials sa isang kumpanya na pag-aari ng mga Chinese sa Magalang, Pampanga.
Ang naturang mga substandard products ay gagamitin sana sa mga bahay, paaralan, ospital, tulay, evacuation centers, airports, seaports, government buildings, military installations, power facilities at iba pang critical infrastructure.
Ayon kay PAOCC Executive Director Benjamin Acorda Jr. naaresto sa operasyon ang apat na company officers na nagpapatakbo Chuangxing Steel Incorporated.
Nailigtas naman ang 347 Filipino at 37 Chinese workers mula sa hazardous industrial conditions.
Base sa imbestigasyon, walang lisensiya, permit at regulatory authorizations sa ilalim ng batas ang pagkakaroon, pagproseso, pag-imbak, pagbiyahe at paggamit ng radioactive-bearing industrial materials.
Hindi rin umano pumasa sa mandatory Philippine National Standards ang pag-manufacture at pag-distribute ng steel bars na ginagawa sa naturang kumpanya.










