Thursday, July 30, 2026

Tax records ni VP Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, natanggap na ng Clerk of Court ng Senate Impeachment Court

Tinanggap na ng Clerk of Court ng Senate Impeachment Court ang tax records ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Mans Carpio.

Kinumpirma ni Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. ang pagre-receive ng mga BIR records ni VP Duterte at Carpio.

Sinasabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na binigyang awtorisasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglalabas ng mga tax records.

Ayon kay Bantug, binigyan naman niya ng specific time slots o ng partikular na oras ngayong araw ang mga bangko para sa maayos na pagtanggap ng Clerk of Court ng bank records ng bise presidente.

Samantala, hindi pa time slot ngayon para sa pagsusumite ng Anti–Money Laundering Council (AMLC) records.

Ang mga tax, bank at AMLC records ay ipinasubpoena ng Senate Impeachment Court kasunod na rin ng kahilingan dito ng prosecution team.

Ang nasabing mga records ay kaugnay naman sa Article 2 o ang pag-accumulate ni VP Duterte ng kwestyunableng yaman na hindi tugma sa sahod nito habang nasa posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments