DOTr Sec. Bautista, iginiit na hindi dumaan sa due process ang preventive suspension kay MIAA GM Chiong

Umalma si Transportation Sec. Jaime Bautista sa preventive suspension na pinataw ng Office of the Ombudsman laban kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong.

Ayon kay Bautista, hindi dumaan sa due process ang suspension kay Chiong at hindi rin nakuha ang panig nito bago binaba ang desisyon.

Iginiit din ni Bautista na walang nalabag sa batas si Chiong nang magpatupad ito ng reassignment sa ilang empleyado ng MIAA.


Inamin din ng kalihim na may basbas niya ang naturang hakbang ni Chiong.

Aniya, layon lamang nito na maging effective ang MIAA sa pagseserbisyo nito sa publiko.

Facebook Comments