Friday, October 30, 2026

Panig ni VP Sara, pinasinungalingan ang mga paratang ukol kay “Alias Chris”

Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na walang katotohanan ang mga bagong alegasyon kaugnay ng umano’y “Alias Chris.”

Sa pahayag ni Vice Presidential Spokesperson Salvador Paolo A. Panelo Jr., sinabi nitong isa na naman umanong “tanim-witness” ang inilalabas laban sa bise presidente at hindi umano mababago ng mga alegasyon ang katotohanan.

Ayon pa kay Panelo, sasagutin at papabulaanan ni Vice President Duterte ang bawat paratang sa tamang pagkakataon sa pamamagitan ng ebidensya.

Hinimok din nito ang media na huwag lamang iulat ang mga akusasyon kundi magsagawa rin ng sariling beripikasyon upang matiyak ang katotohanan ng mga ito.

Iginiit pa ng kampo ng bise presidente na ginagamit umano ang Fourth Estate o media sa isang black propaganda laban kay Vice President Sara Duterte, ngunit sinabi nilang hindi ito magtatagumpay.

Jerald Ulep, RMN Manila

Facebook Comments