Saturday, October 24, 2026

Paggamit ng pwersa ng China sa BRP Sierra Madre, maituturing na “act of war” ayon kay Defense Secretary Teodoro

Sineseryoso ng pamahalaan ang lahat ng banta sa BRP Sierra Madre partikular na ang posibleng paghatak dito ng China.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. , matuturing na “act of war” laban sa Pilipinas ang paggamit ng pwersa ng China sa BRP Sierra Madre.

Nilinaw naman ni Teodoro dito na magkaiba ang “act of war” sa “state of war”.

Paliwanag ng Kalihim ang ibig sabihin ng act of war ay kapag may offensive act o paggamit ng pwersa sa barko ng isang bansa habang ang state of war ay mangyayari lang sa deklarasyon ng Pangulo at Kongreso.

Samantala, iginiit naman ni Teodoro na walang sinumang bansa ang may karapatan na pag-alamanan ng Pilipinas kaugnay ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Facebook Comments