DPWH, humirit sa Manila LGU hinggil sa deadline ng pagsasa-ayos sa Lagusnilad

Humirit ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng palugit sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ito’y sa rehabilitasyon ng Lagusnilad underpass sa Maynila.

Sa pahayag ng DPWH, humirit sila ng hanggang katapusan ng Nobyembre upang makumpleto ang pagsasa-ayos sa Lagusnilad.


Matatandaan na nagtakda ng deadline ang Manila LGU para matapos ang proyekto sa November 15

Una nang inianunsiyo ng Manila LGU na sa katapusan sana ng Setyembre mabubuksan ang Lagusnilad matapos isara noong Mayo para sa ilang buwang rehabilitasyon

Sa impormasyon naman ng DPWH, hindi kaya ang November 15 na palugit kaya’t hihilingin ng kanilang South Manila District Engineering Office na matapos ang proyekto hanggang November 30.

Partikular na ginagawa pa ng DPWH ang catch basin o chamber na pag-iipunan ng tubig sa Lagusnilad tuwing may malakas na pag-ulan upang maiwasan na ang pagbaha.

Facebook Comments