DPWH: Mga pangunahing kalsada at tulay sa paligid ng Bulkang Mayon, hindi isasara

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaraanan ang mga pangunahing kalsada at tulay sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay upang agad na maihatid ang tulong sa mga inilikas na residente sa gitna ng pag-aalburuto ng nasabing bulkan.

Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakahanda na ang kanilang pwersa sakaling tumaas pa ang aktibidad ng Bulkang Mayon.


Kasama na aniya rito ang kanilang quick response team at quick response asset.

Inihahanda na rin ng DPWH ang mga gagamiting alternatibong ruta sakaling tumaas pa ang aktibidad ng Mayon.

Facebook Comments