BUS DRIVER AT CONDUCTOR, TINULUNGAN ANGISANG INA SA PAG-ALAGA NG KANYANG SANGGOL HABANG BUMABYAHE PAPUNTANG PASAY

Pinuri ang isang bus driver at conductor ng isang bus company matapos nilang tulungan ang isang Ginang na bumabiyahe habang may dala-dalang sanggol mula Baguio City patungong Pasay.

Sa kanilang stopover sa Sison Terminal, nais sanang bumaba ng Ginang para bumili ng kinakailangang mga gamit, ngunit hindi ito makababa dahil may dala itong sanggol.

Sa mabuting kalooban ay walang pag-aalinlangang kinarga ng driver ang sanggol at tinulungan ang Ginang na maasikaso ang kanyang kailangan.

Pagdating naman sa Dau Terminal, tumulong din ang conductor sa pagkarga at pag-aalaga sa sanggol.

Ang biyahe papuntang Pasay mula Baguio City ay karaniwang tumatagal ng hanggang anim na oras, kung kaya’t ang simpleng pagtulong na ito ay malaking ginhawa para sa isang ina na solong bumabiyahe.

Bagamat araw-araw silang may nakakasalamuhang mga pasahero patunay ito na higit sa kanilang tungkulin sa trabaho ay ang pagpapakita ng simpleng paraan ng kabaitan sa kapwa ay maaaring makapagbigay ng malaking tulong at inspirasyon sa iba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments