Thursday, September 10, 2026

Mga doktor mula sa PNP-GH, nagsagawa na ng medical assessment kay Rep. Romualdez na naka-confine pa rin sa Cardinal Santos Medical Center

Nagsagawa na ng medical assessment ang mga doktor mula sa Philippine National Police General Hospital (PNP-GH) kay dating House Speaker Martin Romualdez na ngayon ay naka-confine pa rin sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Kasama ng mga doktor ng PNP-GH ang kanyang mga manggagamot sa Cardinal Santos.

Ang hakbang ay bilang paghahanda sakaling iutos na ng korte ang paglilipat sa mambabatas sa PNP-GH.

Kahapon, nakumpleto na ang mga pagsusuri at patuloy ang gamutan ng mambabatas.

Muli namang inaasahan ang Philippine National Police (PNP) na maglalabas ng bagong medical bulletin sa mambabatas mamayang alas-9:00 ng umaga.

Kung maalala, nasa ikatlong gabi na magmula nang ma-confine si Romualdez sa naturang pagamutan.

Sa ngayon, mahigpit pa rin ang pagbabantay ng PNP sa lugar para siguruhin ang seguridad sa perimeter ng pagamutan bilang bahagi ng security measures ng PNP.

Facebook Comments