Saturday, October 24, 2026

Bilang ng mga nasawi dahil sa mga bagyo at habagat, umabot na sa 44 —NDRRMC

Umabot na sa 44 na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa mga bagyo at Southwest Monsoon o Hanging Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC).

Pinakamataas na naitala ang sa Cordillera Administrative Region (CAR), sinundan ng CALABARZON, Region 1 ,3, NCR, MIMAROPA, at Negros Island Region (NIR).

Samantala, ayon pa sa tala ng NDRRMC nasa 347 na lugar pa rin ang nananatiling baha.

Pinakamarami ang naitala sa Region 3 o Central Luzon na may 285 na lugar na apektado.

Facebook Comments