Tuesday, May 19, 2026

Sen. Dela Rosa, posibleng makorner sa abroad sakaling lumabas ng bansa

Nagbabala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi malayong makorner sa abroad si Senador Ronald Dela Rosa sakaling tangkain nitong lumabas ng bansa.

Ayon kay Matibag, hindi malayong maaresto si Dela Rosa sa ibayong-dagat kapag ang matakbuhan nito ay ang bansang kaalyado ng International Criminal Court (ICC).

Kaugnay nito, hinamon ni Matibag si Dela Rosa na sumuko na lamang para matapos na ang tensyon.

Tiniyak naman ni Matibag na mataas ngayon ang moral ng mga tauhan ng NBI.

Hindi niya rin aniya pababayaan ang mga tauhan ng NBI na iniimbestigahan ngayon ng PNP-CIDG na nasangkot sa kaguluhan sa Senado.

Facebook Comments