DTI, PINALAKAS ANG KAALAMAN SA PAGNENEGOSYO NG KABATAAN SA PANGASINAN

Pinalakas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kaalaman sa pagnenegosyo ng mga kabataan sa Pangasinan sa isinagawang entrepreneurship training program.

Lumahok sa tatlong araw na learning sessions ang 14 na kabataang aspiring entrepreneurs mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, na sinundan ng business pitching activity at graduation. Tinalakay sa pagsasanay ang pagbuo ng business ideas, innovation, at mga batayang kaalaman sa pagnenegosyo.

Sa huling bahagi ng programa, isinagawa ang business pitching kung saan iniharap ng mga kalahok ang kanilang mga nabuong konsepto ng negosyo. Kinilala rin ang natatanging presentasyon na tumanggap ng startup support bilang tulong sa pagsisimula ng negosyo.

Ayon sa DTI, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang mas mapalawak ang kaalaman ng kabataan at mahikayat silang mas aktibong pumasok sa mundo ng pagnenegosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments