Wednesday, May 20, 2026

BAYAMBANG TRAFFIC VIOLATIONS, LUMOBO SA MAHIGIT 11,000 KASO NOONG 2025 ‎

Umabot sa 11,268 traffic violators ang naitala ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) noong 2025 bilang bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng batas trapiko sa bayan ng Bayambang, Pangasinan. ‎ ‎

Batay sa ulat ng BPSO, pinakamarami sa mga nahuli ay mga motorcycle rider na walang suot na protective helmet na umabot sa 6,052 kaso, habang 4,375 naman ang nahuling nagmamaneho nang walang lisensya. ‎ ‎

Nakapagtala rin ng 959 violators dahil sa hindi pagsunod sa utos ng pulisya, 641 dahil sa paglabag sa traffic lights at signs, at 634 naman dahil sa illegal parking. ‎ ‎

Kabilang din sa mga naitalang paglabag ang kawalan ng side mirror, walang OR/CR, obstruction, expired license, truck ban violations, unregistered motorcycle, reckless driving, modified muffler, at iba pa. ‎ ‎

Ayon sa BPSO, patuloy nilang pinaiigting ang traffic enforcement upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga pangunahing lansangan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments