PAGPASOK NG BAGONG ELECTRIC SERVICE PROVIDER SA MANGALDAN, PINAG-AARALAN

Sumalang sa committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang presentasyon ng posibleng pagpasok ng bagong electric service provider upang pag-aralan at talakayin ang serbisyong makapagbibigay ng benepisyo sa mga konsyumer.

Sa naturang pagdinig, ipinresenta ng Dagupan Electric Cooperative sa Committee on Public Utilities ang franchise coverage, benepisyo, legal na proseso at pagresponde sa mga insidente ng pagkaantala sa suplay ng kuryente.

Iginiit naman ng komite na hindi ito nangangahulugan ng agarang pagpapalit ng electric provider ngunit bahagi umano ng masusing konsultasyon at pag-aaral.

Malinaw din ang layunin na makapaghatid ng mas magandang serbisyo at malinaw at mabilis na aksyon para sa pangangailangan sa kuryente ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments