Matagumpay na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang malawakang operasyon nitong Abril 27, 2026 sa Sitio Aling, Barangay Pantal na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto ng anim na indibidwal na itinuturing na high-value targets.
Ayon sa ulat, layunin ng magkakaugnay na operasyon na tuluyang wakasan ang mga aktibidad ng ilegal na droga sa naturang lugar sa pamamagitan ng koordinasyon ng ibat ibang law enforcement units.
Kabilang sa mga naaresto ang isang maintainer at mga high-value targets habang dalawang suspek ang nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap.
Nakumpiska naman ang nasa 48 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 326,400 pesos.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng One-Time, Clean-Sweep Initiative sa pagtutulungan ng PDEA Region I, PRO1, Pangasinan Police Provincial Office, Dagupan City Police, at iba pang specialized units gaya ng SWAT at PDEG-SOU I.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








