Hahanay sa mga kilalang dambuhalang monumento sa buong mundo ang San Vicente Ferrer Statue sa Bayambang, Pangasinan sakaling matuloy ang magandang planong documentary series ng isang dayuhang filmmaker.
Kasalukuyang nakikipagusap ang international film director at producer na si Burak Akyol kay Bayambang Mayor Nina Jose Quiambao para sa planong pagkuha ng footage para sa proyektong In the Shadow of Giants.
Layunin ng naturang dokumentaryo na itampok ang ilan sa pinakamalalaking estruktura sa iba’t ibang panig ng mundo.
Matatandaang kinilala ng Guinness World Records ang nasabing estatwa bilang tallest bamboo structure sa buong mundo na may taas na 50.23 metro.
Inaasahan na mas makikilala pa ang Bayambang bilang tahanan ng isang natatanging obra at simbolo ng pananampalataya.
Samantala malaking oportunidad ang naturang proyekto upang mapalakas rin ang turismo sa bayan sa oras na maisakatuparan ang dokumentaryo at inaasahang higit pang mapapansin ang Bayambang sa mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










