
Malinaw para kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na diversonary tactic at pagtakas sa isyu ng P6.7 billion na halaga ng transaksyon sa kanilang mga bank accounts ang layunin ng mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.
Reaksyon ito ni Chua, makaraang magsampa si Carpio ng reklamo sa Quezon City Prosecutors Office laban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti Money Laundering Council (AMLC) at ilang miyembro ng House Committee on Justice.
Punto ni Chua, dahil hindi direktang maipaliwang at maitanggi ni VP Sara at kanyang kampo ang transaction na P6.7 billion na dumaan sa kanilang bank accounts ay sinisikap na lang nila ngayong ilihis ang isyu at ibahin ang kwento.
Binanggit din ni Chua na sa ilalim ng Konstitusyon ay may immunity laban sa anumang uri ng reklamo o kaso ang mga miyembro ng House Committee at mga testigong humarap sa pagdinig o proseso nito.










