DSWD CALABARZON, nag-abiso na sa pagkuha ng educational assistance ngayong Sabado

224

Nag-abiso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkuha ng educational assistance sa Calabarzon Region sa Sabado.

Mahigpit na ipinaalala ng DSWD sa mga benepisyaryo na walang tatanggaping walk in application sa Alabang Regional Office at sa lahat ng itatalagang assessment / payout sites sa CALABARZON.

Ang mga papapasukin lamang sa mga assessment at payout sites ay ang mga nagrehistro online na makatatanggap ng text message mula sa DSWD Field Office IV-A.


Kinakailangang ipakita ang cellphone at text message sa assessment at payout sites para makapasok.

Paalala pa ng DSWD, para hindi maabala sa pagpila sa Sabado, huwag nang pumunta sa payout sites kung wala pang natatanggap na text message at kung hindi pa nakakapag-register online.

Nag-abiso ang DSWD para hindi na maulit pa ang kalituhan ng publiko tulad ng nangyari noong Sabado sa payout sites ng ahensiya.



Facebook Comments