Thursday, May 21, 2026

DSWD, inihahanda na ang tulong sa pamilya ng ginang na namatay sa pila ng pagkuha ng ayuda sa QC hall

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng nasawing ginang habang naghihintay sa pagbubukas ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout sa Quezon City hall.

Ito ang sinabi ni DSWD crisis intervention program Director Edwin Morata, kasunod ng hindi inaasahang insidente sa loob compound ng QC hall noong araw ng martes.

Sa regular DSWD forum, inatasan na aniya ni Secretary Rex Gatchalian ang kanilang regional office sa National Capital Region (NCR) para alamin at tiyaking maibibigay kung ano pa ang makitang pangangailangan ng pamilya ni aling “Marlene” ng Brgy. Sauyo, Novaliches Quezon city.

Nilinaw rin ni Morata na hindi pa nag-uumpisa ang distribusyon ng ayuda nang mangyari ang insidente.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), habang nakapila si aling Marlene kasama ang iba pang mga benepisyaryo, bigla itong nawalan ng malay at bumagsak nang pasubsob sa semento.

Facebook Comments