Tuesday, June 23, 2026

LTFRB, sinuspinde ang operasyon ng walong unit ng isang bus company na sangkot sa road accident sa Santiago city, Isabela

Sinuspinde ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng walong unit ng Pangasinan Five Star Bus Incorporated na nasangkot sa isang aksidente sa Santiago City, Isabela noong June 11.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, nasawi ang isang babaeng tumatawid habang dalawang pasahero ang nasugatan matapos mabangga ng bus.

Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver kaya nabangga ang pedestrian at isang pickup vehicle sa kabilang linya ng kalsada.

Naglabas din ang LTFRB ng show cause order laban sa kompanya upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang prangkisa nito.

Inatasan din ang kompanya na ipa-drug test ang driver at ipa-inspeksyon ang walong bus na nasuspinde.

Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa kaso sa July 7.

Facebook Comments