Thursday, July 16, 2026

DSWD, patuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Inday at habagat

Patuloy pa rin na namamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng Bagyong Inday at habagat.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng DSWD, umabot na sa 86,337 family food packs, 12,273 ready-to-eat food boxes, at 3,085 non-food items ang naipamigay ng departamento.

Napakinabangan naman ito ng mga pamilya sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at BARMM.

Samantala, posible pang madagdagan ang bilang ng nasabing tulong sa mga susunod na araw.

Facebook Comments