Thursday, July 16, 2026

Pagsibak kay MMDA Gabriel Go, iginiit ng isang lider ng minorya sa Kamara

Nananawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes na sibakin na si MMDA Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go.

Diin ni Tinio, patuloy na nilalabag ni Go ang deriktiba ni Artes at patakaran ng MMDA na huwag gamitin sa personal na social media posts ang mga operasyon ng MMDA.

Giit ni Tinio, malinaw na ginagamit ni Go ang kanyang posisyon at mga operasyon ng MMDA sa personal na vlogging para sa sariling intres, para siya ay sumikat at kumita.

Inihalimbawa ni Tinio, ang nag-viral na video ng isang guro na hinuli dahil walang helmet at ginamit na content sa vlogging kahit nakiusap ang biktima para sa kanyang privacy.

Ayon kay Tinio, dapat irespeto ng ating mga law enforcers ang sinumang inaaresto o sinisita dahil sa paglabag sa batas-trapiko at huwag pahiyain o gamiting content sa social media vlogging.

Facebook Comments